41
2 arestado sa pananapak ng traffic enforcer
By

6 Muslim pumalya sa pagdadasal, kulong

Pinarusahang makulong ang anim na Malaysian Muslim dahil sa pagpalya sa pagdadasal na paglabag sa Islamic laws.

Sabi sa ulat ng Straits Times, makukulong ng isang buwan ang anim na lalaking Muslim sa Malaysia dahil sa hindi pagdadasal.

Obligasyon ng mga lalaking Muslim sa nabanggit na bansa ang pagdalo sa Friday prayers.

Nahuli ang mga lalaking edad 17-35 habang nagpi-picnic sa waterfall sa halip na dumalo sa pagdadasal noong Biyernes, na itinuturing na “holiest day of the week” para sa mga Muslim.

Maliban sa pagkakakulong, pinagmulta rin sila ng RM2,500 bawat isa matapos mag-plead ng guilty noong Linggo sa syariah court sa Terengganu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?