By

6 miyembro ng sindikato ng pekeng pera, naaresto sa Pasig

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng PNP-CIDG National Capital Region ang anim na mga miyembro ng sindikato na gumagawa ng mga pekeng pera sa kanilang operasyon sa Pasig City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jaypee Balis, alyas Jheppy Sanday, ang lider ng grupo, at mga tauhan nito na sina Aladin Akil, Satar Akil y Mohamad, Ramil Badang, Alpha Sabar, at Watari Kusay.

Ayon kay Chief Police Sr. Supt. Wilson Asueta, bitbit ang search warrant, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang tinutuluyan ng mga suspek sa Sto. Tomas St., Pinalad, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Narekober din sa mga ito ang siyam na wrapper ng mga pekeng P1,000; P500 (5); P100 (5), na sa kabuuan ay umaabot sa P1 milyon.

Nakuha rin sa kanila ang isang kalibre .38 revolver, limang 38 live ammunition, at dalawang magazine ng 5.56×45mm NATO.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Firearms Law at illegal possession and forging bank notes ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?