243

By

6 miyembro ng pamilya minasaker sa Cagayan

Anim na katao ang minasaker sa Gonzaga sa Cagayan province nitong Sabado kung saan nakaligtas ang isang 3-anyos na bata.

Batay sa inisyal na report, anim na miyembro ng isang pamilya ang pinagtataga hanggang sa mamatay sa Sitio San Francisco, Barangay Ipil.

Alas-7:30 ng umaga nang i-report ni Barangay Chairman Edgar Rasos ang natagpuang bangkay ng anim na katao sa kanilang barangay.

Kinilala ang mga biktima na sina Dizon Oandasan, 42-anyos; Sany Oandarade; Dizon Oandasan, 5; Denisson Oandasan, 3; at Juanito Soliva, 53.

Hindi naman batid pa ang pagkakakilanlan ng isa pang namatay habang nakaligtas umano ang 3-anyos na bata sa krimen na nagtamo ng sugat sa kanyang batok.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para mahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?