46

Feb 26, 2021 @ 20:23
By

6 Mars crater pinangalan sa 6 lugar sa ‘Pinas

Isinunod sa pangalan ng anim na bayan sa Pilipinas ang ilang crater sa Mars.

Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang matagumpay na paglapag sa Red Planet ng Perseverance rover ng National Aeronautics and Space Administration o NASA noong Pebrero 18 makalipas ang may 203 araw na paglalakbay.

Sa ulat, nilinaw ng International Astronomical Union Working Group for Planetary System Nomenclature, na ang pagpapangalan sa mga crater ay hindi intensyong gunitain ang mga lugar na ginamit dito.

Isinusunod umano talaga ang mga maliliit na Mars crater sa iba’t ibang bayan sa mundo na may populasyon lamang na 100,000 o mas mababa pa habang ang malalaking crater ay ipinapangalan sa mga scientist at science fiction writer na nakapag-ambag sa pag-aaral sa Red Planet, ayon sa Gazetteer of Planetary Nomenclature of the United States Geological Survey

Ang maliliit na crater, na may 50 kilometrong lapad, ay bininyagang “Bacolor Crater” (Pampanga), Camiling Crater (Tarlac), Daet Crater (Camarines Norte), Naic Crater (Cavite), Solano Crater (Nueva Vizcaya) at Taytay Crater (Palawan).

Maliban sa paglapag ng NASA rover sa Mars, naging headline rin ang pagkakabilang ng ilang Pilipino sa makasaysayang pag-landing ng Perseverance rover.

Kabilang sa Filipino team si Pinoy engineer Gregorio Villar III na tumulong sa ligtas na paglapag ng rover bilang Entry, Descent, and Landing Systems Engineer ng Mars 2020 Mission, ayon sa US Embassy in Manila.

Ayon sa CNN report, ang misyon ng Mars 2020 ay maghanap ng mga palatandaan ng potensyal na buhay at mangolekta ng mga sample ng sirang bato at lupa sa nasabing planeta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?