7

Feb 9, 2021 @ 17:37
By

6 mangingisda nawala sa Occidental Mindoro, nakauwi na

Nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang anim na mangingisdang nawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Tinukoy ang mga nasagip na sila Junrey Beroy, Raymark Rebenito, Marlon Dela Cruz, Glenn Gaga, Gerald Gaga at Manuel Sueta.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard – Zambales, na-rescue ang mga mangingisda bandang Lubang Island matapos siliban ng isang mangisisda ang isang flare.

Kwento ng mga nasagip, pumalaot sila sa naturang dagat Enero 27 at doon nilamon ng malakas na alon dahilan para mabaklas ang ilang parte ng kanilang bangka.

Anila, halos tatlong araw silang nagpalutang-lutang sa dagat bago nakita ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?