10

Apr 5, 2021 @ 9:21
By

6 lindol naitala sa Kanlaon Volcano

Umuga ang anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon pa sa Phivolcs sa Abril 5 bulletin nito, nakapagtala rin ng “very weak to moderate” na pagsingaw ng usok sa bulkan na umabot sa 300 metro ang taas.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Kanlaon, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng bulkan dahil may tsansa pa rin anila itong sumabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?