2,265
rape1
By

6 lalaki pinagtulungang halayin ang 16-anyos na dalagita

Na-rape ng anim na kalalakihan ang isang 16-anyos na dalagita sa Tondo, Manila, Martes ng umaga.

Saad sa report ng Raxabago Police, niyaya ng isang 20-anyos na pinangalanang Paul Cedrick Diwa ang dalagita sa isang inuman.

Nang malasing ang biktima ay dinala umano ito sa isang kwarto at dito na sinimulan ang panghahalay.

Naaresto na ng mga pulis ang tatlo sa suspek na sina Angelito Gonzales, 25-anyos, Prince Jomari Diwa, 20 at si Paul na haharap sa asuntong rape at child abuse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?