7

Jul 24, 2020 @ 11:27
By

6 kriminal dinampot sa Camarines Sur

Inaresto ng mga pulis ang anim na suspek na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal sa magkahiwalay na operasyon noong Huwebes sa Camarines Sur.

Ayon kay Bicol Police Spokesperson Major Maria Luisa Calubaquib, nahaharap ang mga suspek sa mga kasong rape, illegal gambling at violence against women and children at may mga warrants of arrest.

Kinilala silang sina Michael Solayao, 47, ng Iriga City at wanted sa three counts ng statutory rape; Romulo Valle, 60, ng bayan ng Caramoan town, may kasong illegal gambling; Romeo Aslor, 43, ng Sagñay town, wanted sa kasong violence against women and children; Aldrin Salansang, 35, ng San Fernando, wanted sa kasong violence against women and children; Christian Laborbo, 23, ng Buhi town, nahaharap sa kasong rape, at Chody Candelaria, 20, ng Libmanan town, wanted sa rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?