225

By

6 kilo ng shabu nakumpiska sa Pinay na galing Cambodia

Nahulihan ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon ang isang Filipina passenger sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Customs, nadiskubre ang shabu sa dalawang handbag ni Ruzol Marie Guillermo, 28, taga-Marikina City.

Itinago ang droga sa tea foil pack saka isiniksik sa dalawang handbag na nakalagay naman sa isang backpack.

Na-detect ang droga nang dumaan sa X-ray inspection ang backpack.

Dumating ang suspek sa Terminal 3 ng alas-kuwatro ng madaling-araw, Nob. 8, mula sa Siem Reap, Cambodia.

Mahaharap si Guillermo sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Iti-turnover naman ang nakumpiskang drug shipment sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?