37
SHABU9
By

6 kilo ng shabu nahukay sa QC

Sharing is caring!

Umaabot sa anim na kilo nang ibinaon na shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon ang nahukay sa pagawaan ng refrigerator ng mga gumagawa ng drainage system sa Barangay North Fairview, Quezon City nitong Huwebes, Setyembre 13.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Director Guillermo Lorenzo T Eleazar , dakong alas-10:30 ng umaga ay naghuhukay umano ang mga manggagawa para sa ginagawang drainage system sa harapan ng gate ng Dancs Refrigerator Repair Service na pag-aari ni Danilo Sibug, sa Geneva Garden Subd., sa Commonwealth Ave. corner Flourdelis St. Brgy. North Fairview sa nasabing lungsod.

Subalit habang abala umano ang mga manggagawa sa paghuhukay ay natamaan nila ay bumulaga sa kanila ang sampung plastic na may lamang puting pulbos kaya iniahon umano nila ito upang alamin kung ano ang laman.

Nang mapansin nila na tila iligal na droga ang laman nang mga nahukay na plastic ay agad nilang inireport sa kanilang barangay na pinamumunuan ni Brgy. Chairman Manuel Chua na agad namang itinawag sa himpilan ng pulisya.

Masusi pang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nagbaon ng shabu sa nasabing lugar.

Hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na agad ireport sa kapulisan kung may ganitong mga pangyayari upang hindi mapakinabangan ng mga masasamang tao na sisira sa komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?