19

Feb 22, 2021 @ 21:44
By

6 katao todas sa pag-atake sa India

Utas ang anim na indibidwal kabilang ang tatlong pulis sa magkahiwalay na pag-atake sa Kashmir, India.

Ayon sa ulat, dalawang parak ang natodas ng mga umano’y rebelde sa main city habang apat naman ang nasawi sa Himalayan region kabilang ang isang pulis.

Nangyari umano ang karahasan isang araw matapos bumisita sa naturang rehiyon ang mga diplomat galing sa higit 20 bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?