21

By

6 katao timbog sa pusoy dos

Sharing is caring!

Anim na katao ang nalambat ng Pasig police matapos ireklamo ng mga kapitbahay ng pag-iingay habang nagsusugal ng pusoy dos kahapon ng gabi sa San Miguel, Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director SSupt. Romulo Sapitula, nakilala ang mga naaresto na sina Rico Jurado y Calma, John Mark Cruz y Asenas, Loreto Magallanes y Lakandula, Jessie Aviador y Habana, Noven Tepeg y Abaigar at Bobby Colibao y Elau, kapwa mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay San Miguel, Pasig City.

Batay sa report, kasalukuyang nag-iikot ang pulisya sa Barangay San Miguel nang lumapit ang ilang miyembro ng barangay officials at mga residente at inireklamo ang talamak na pasugalan sa Luis St. na kung saan ay nag-iingay at nagtatalo na posibleng mauwi sa awayan.

Hindi na nakapalag pa at agad namang nadampot ang mga naglalaro ng pusoy dos bandang alas-sais ng gabi dahil napalibutan na sila ng mga barangay official at nagrespondeng pulis.

Nakumpiska sa kanila ang isang set ng playing cards at P570.00 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga ito sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?