75

Dec 20, 2017 @ 10:42
By

6 katao, timbog sa PDEA

Anim-kataong hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa magkakasunod na buy-bust operations ng mga tauhan ng Cabanatuan City Police Special Drug Enforcement Unit katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga naaresto noong Lunes ng madaling-araw sa Block 9, Purok Lote, Brgy Camp Tinio, Cabanatuan City na sina Dexter Prejillana Mendoza, 44y; Egan Cauzon Franco, 33; Rovelle Caiman Lansangan, 31, pawang residente ng Brgy. Camp Tinio, at si Nestor Sugay Isidro, 40, taga-

Purok 2, Brgy. Kalikid Sur, Cabanatuan City.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang maaresto si Elizabeth Bautista Reyes, 45, residente ng Purok 3, Brgy San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Kasunod na naaresto kinagabihan sa Maharlika Highway, Brgy. San Isidro si Anton Bantug Ramos, 39; residente ng Blk. 15, Brgy. Camp Tinio, Cabanatuan City.

Bukod sa isang sachet ng ibinentang shabu, si Ramos ay nahulihan din ng isang caliber .22 rifle na may limang bala.

Pawang kinasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Rep. Act 9165 at karagdagang paglabag sa Rep. Act 10591 o illegal possesion of firearm para kay Ramos. (Jojo De Guzman)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?