44

By

6 katao, timbog sa droga sa Quezon Province

Kulong ang anim na kalalakihan sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations sa iba’t ibang bahagi sa bayan ng Quezon kaninang madaling-araw.

Ayon kay Senior Supt. Osmundo De Guzman, Quezon Police Provincial Director, ikinasa ang buy-bust operation matapos ang ilang araw na surveillance sa anim na suspek na pawang mga may kaugnayan sa iligal na droga.

Nakilala ang mga naaresto na sina Jeric Desembrana, ng Barangay Dalahican, Lucena City; Bernardino Cambay, ng Barangay Pahinga Norte at Jeffrey Escalona, kapwa residente ng Candelaria, Quezon; Abraham Flor, Michael Bedonia at Jojit Dimailig, pawang mga residente ng Sariaya, Quezon Province.

Sinabi naman ni Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, naaresto si Desembrana bandang alas-5:40 ng madaling-araw nang pagbentahan ng droga ang isang police poseur buyer sa Barangay Dalahican.

Umaabot sa 16 sachet na naglalaman ng shabu na may halagang P7,650 ang nasabat mula kay Desembrana habang nasa tig-isang sachet naman ang nakuha pa mula sa mga tulak sa Sariaya at Candelaria.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?