50

Mar 12, 2018 @ 16:52
By

6 kabahayan, naabo sa Pasig

Tinupok ng apoy ang anim na kabahayan sa isang residential area sa Sandoval St., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon ng umaga.

Batay sa report, umabot sa 2nd alam ang sunog na nagsimula bandang alas 2:00 Lunes ng madaling araw sa bahay ni Joel Pintang, nasa hustong gulang, empleyado.

Umamin naman si Pintang na posibleng sa kanila nagsimula ang sunog dahil nakikikabit lamang umano siya ng kuryente sa kanyang kapitbahay.

Wala naman naiulat na nasaktan sa halos isang oras na sunog na idineklarang fire out pasado alas dos na ng madaling araw habang inaalam pa ang kaubuang halaga ng natupok ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?