25

Mar 11, 2020 @ 17:14
By

6 foreigner na galing sa ‘Pinas, nagka-coronavirus – DOH

Tinatayang nasa anim na foreign national na bumiyahe patungong Pilipinas ang nagkaroon ng coronavirus matapos na dumating sa kanilang mga bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang anim na foreigner ay binubuo ng dalawang Japanese, at tig-isang Taiwanese, Korean, Singaporean at Australian.

Noong nakaraang linggo ay isang Australyano na babae ang nagpositibo sa coronavirus matapos na dumalaw sa Pilipinas, habang ang isa naman ay Taiwanese na naglagi sa ‘Pinas mula February 28 hanggang March 3,

Samantala, ang dalawang Hapon ay nag-stay sa ‘Pinas ng pitong araw, tatlo naman para sa Singaporean.

Ang South Korean ang pinakamatagal na naglagi sa Pilipinas sa loob ng dalawang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?