By

6 fans hinimatay sa kahihintay kay Kathryn

Sharing is caring!

NAGPAPASALAMAT si Kathryn sa mga fans nila na todo suporta sa lahat pati sa business venture nila ni Daniel. Nagbukas si Kathryn ng bagong branch ng Kathnails kamakalawa sa 2nd level ng SM Mall of Asia. Punong puno ng fans.

May anim silang fans na hinimatay na dahil alas-siyete pa lang daw ng umaga ay nakapuwesto na sila roon. Kaya nag-alala rin si Kathryn dahil hindi pa pala nakakain ang karamihan sa mga fans na nagtiyagang mag abang sa kanila.

Thankful naman si Kathryn kay Daniel dahil dumalo ito sa grand opening at isa siya sa nag-cut ng ribbon. Sabi ni Kathryn, ang goal daw talaga nila ay magparami ng mga branch. Kaya bukod sa binuksan nung Linggo, meron daw sila uling bubuksan sa darating na Linggo sa may Ayala Cloverleaf naman. (Georgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?