10

May 6, 2021 @ 12:47
By

6 estudyante sa Abra wagi sa World Robot Games

Nakasungkit ng dalawang medalya sa World Robot Games ang anim na estudyante mula sa Abra High School,

Dalawang bronze medal ang nakuha ng mga Grade 8 hanggang 10 student sa naturang online contest na ginawa mula March 25 hanggang April 15.

Para makabuo ng imbensyon ay sumandig ang mga kabataan sa mga junk shop at iba pang recyclable item, kung saan target ng mga estudyante na gumawa ng makina na makatutulong sa paglaban sa COVID-19.

Bumuo ng portable dual-powered renewable energy source hands-free sanitation station sina Marc Dei Bides, David James Viado at Venice Balbin.

Habang ang ikalawang grupo naman na binubuo nina Keneth Serunno, Ma. Teresa Viste, at Sheffaly Daime Valencia ay lumikha ng sensor-automatic at contactless na disinfection channel.

Ayon kay Jephunneh Gasmen, coach ng mga bata, nahirapan sila sa proyekto dahil na rin sa lockdown.

“They had to research online. We met online but the difficult Internet signal was also a challenge. Some were just on audio and unable to see what was being done,” saad ni Gasmen sa Philippine News Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?