8
sugal
By

6 dinakma sa iligal na sugal, droga sa Sta. Cruz

Sharing is caring!

Huli sa iligal na sugal at droga ang anim na lalaki sa Oplan Galugad na ikinasa ng Alvarez Police Community Precinct, Sta. Cruz Police Station-3 sa Oroqueta St., sa likod ng Philippine rabbit bus terminal sa Recto, Avenue.

Namataan ng mga pulis sa pangunguna ni PO1 Nathbryant Banogon ang anim na suspek habang nagka-cara y cruz sa naturang lugar.

Nang sitahin ng mga pulis at kapkapan isa-isa ang mga suspek ay doon nabawi sa kanila ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nabawi rin sa mga suspek na sina Jefferson Isidro, 20 anyos; Joselito Bautista, 29 anyos; Daniel Lucero, 26 anyos; Criselda Ibasan,34 anyos; Jupiter Tayan, 35 anyos at Hervic Donapiles, 28 anyos, ang ilang piraso ng pisong barya na ginamit sa pagsusugal.

Nakuha rin ng mga otoridad ang P700 bet money ng mga suspek.

Pare-parehong mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at RA 9165 o possession Of illegal Drugs ang mga suspek.

Nakapiit na sa tanggapan ng Manila Police District ang anim na nasakoteng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?