852

Sep 15, 2020 @ 19:23
By

6 centenarian sa Makati binigyan ng tig-P100K

Anim na centenarian ang pinagkalooban ng P100,000 bawat isa ng Makati City government.

Personal na iniabot ng mga tauhan ng Makati Social Welfare Department ang mga tseke na nagkakahalaga ng P100,000 kina Esther Cruz ng Barangay Guadalupe, Emilia Magsaysay ng Barangay Poblacion, Adelaida Soria ng Barangay Cembo, Natividad Yuson ng Barangay Pembo, Florina Kaluag-Liboro ng Bel-Air, at Manuel Carmona ng Urdaneta Village.

Simula 2012 ay 70 centenarian na ang kinilala ng city government, kabilang ang 45 senior citizen sa panahon ni Mayor Abby Binay, dahil sa pag-abot sa edad na 100.

Batay sa City Ordinance No. 2012-099, kuwalipikadong makatanggap ng P100,000 cash gift ang mga Makati senior citizen na mga Blu Card holder kapag umabot na sila sa edad na 100.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?