14

By

6 Cebuano lawyers pasok sa RTC posts

Sharing is caring!

Anim na Cebuanong abogado ang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte para manilbihan sa Judiciary na kung saan ay inaasahan na tatrabahuin ng mga bagong huwes ang mga nakabinbing kaso sa lower courts.

Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ng Office of the President sa Supreme Court magistrates na ipagbigay-alam sa loob ng pitong araw ang appointment ng kanyang pinagkakatiwalaang abogado.

Nabatid na ang anim na bagong huwes ay kabilang sa 11 Cebu-based lawyers na itinalaga ng Pangulo para sa judiciary noong Pebrero 2017.

Nakilala ang mga bagong talagang Judges na sina Rosario Evelyn Sistosa-Singco, na mamumuno sa Regional Trial Court Branch 71 sa Lapu-Lapu City; Mendulfo Pintor Jr., para sa RTC Branch 72, Lapu-Lapu City; Ronald Tolentino, sa RTC Branch 73, Lapu-Lapu City; Joe Noel Lawas, sa RTC Branch 84, Mandaue City; Dalisay Chavez-Ohdate, (RTC Branch 85, Mandaue City); at May Faith Trumata-Rebotiaco sa RTC branch 94, Argao, Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?