13

Jul 19, 2021 @ 20:31

6-buwang buntis nagbenta ng shabu, kalaboso

Tiyak na sa kulungan na manganganak ang isang buntis matapos itong mahuli sa buy bust operation kasama ang dalawa pang tulak ng iligal na droga kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong Violation of R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang nadakip na suspek na sina Gina Tayohop, 30, 6-buwang buntis, Barangay Mapulang Lupa; Edgarde Dante, 49, driver at Jovienal Nallano, pawang nakatira sa Bakanti Street, Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Sa report ng SDEU, alas-8:00 ng gabi, nagkasa sila ng buy bust operation sa loob ng Mover Compound No. 6059 Balanti Street, Barangay Ugong, Valenzuela City,

Targer ng mga parak sina Dantes at Nollano na kilalang tulak ng shabu sa kanilang lugar.

Isa sa mga parak ang nagkunwaring buyer at bumili ng shabu sa dalawang tulak ng halagang P16,000, saan naroon din si Tayohop .

Matapos magkaliwaa, doon na dinampot ang tatlo saka pinosasan at dinala sa presinto.

Nasamsam sa mga ito ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalagang P510,000.00, 3 cellphone at isang gray Adventure. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?