3

Jan 20, 2021 @ 15:18
By

6 bilanggo tumba sa panis na manok

Anim na preso sa Police Station 3 ng Angeles City Police ang naospital makaraang sumakit ang tiyan at magtae matapos diumanong makakain ng panis na ulam.

Ayon sa ulat, sabay-sabay nagtanghalian ang anim na preso at naghati sa pasalubong na manok ng isa sa kanilang dalaw.

Agad dinala sa Ospital ng Angeles ang mga inmate matapos magsuka, manakit ang tiyan at magtae.

Na-diagnose silang may acute gastroenteritis.

Matapos gamutin ay ibinalik na ang mga biktima ng food poisoning sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?