315

Jan 3, 2018 @ 12:33

6 bansa, bagong miyembro ng UN Security Council

Humanay na bilang non-permanent members ng United Nations (UN) Security Council ang anim na bansa.

Ito’y ang Equatorial Guinea, Ivory Coast, Kuwait, Peru, Poland at Netherlands, ayon sa AFP.

Inihanay na ng mga kinatawan mula sa anim na bansa ang mga bandila nila sa siyam na iba pang miyembro ng konseho.

May 15 miyembro ang UN Security Council kabilang na ang lima na may permanenteng upuan sa konseho at may kapangyarihan na pag-veto ng resolusyon, ito ay ang Britain; China; France; Russia at United States.

Tumiwalag na bilang miyembro ng UN Security Council noong Disyembre 31 ang Egypt, Italy, Japan, Senegal, Ukraine at Uruguay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?