114

Jul 23, 2021 @ 12:14
By

6 bakunado sapol ng Delta variant – DOH

Inanunsyo ng Department of Health na ilan sa mga nagpositibo sa Delta coronavirus variant ay nabakunahan na.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, dalawa sa tinamaan ng Delta variant ay kumpleto na sa bakuna, habang ang apat naman ay naturukan na ng first dose.

Samantala, 18 Delta positive ang hindi pa nakatanggap ng kahit anong bakuna.

Inaalam pa ng DOH kung may bakuna na ba o wala pa ang 23 pang kaso ng Delta variant sa bansa.

Hindi naman pinaalam ng DOH kung anong brand ang naiturok sa mga nagpositibong pasyente sa Delta variant.

Wika naman ng health official, 32 sa tinamaan ay kalalakihan, 15 naman ang babae. Ang mga edad nito’y mula 14 hanggang 79.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?