13

By

6 babae huli sa pekeng solicitation sa San Juan city council

Sharing is caring!

Nahaharap sa kasong swindling, estafa at falsification of public documents ang anim na kababaihan matapos mabuking ang kanilang ginagawang bogus na panghihingi ng tulong sa mga konsehal sa San Juan City.

Kinilala ni SSupt. Dindo Reyes, hepe ng San Juan Police ang mga suspek na sina Cherry Rose Magalong, 35-anyos, Liberty Dacumos, 30-anyos, kapwa residente ng Marikina City; isang 18-anyos na hindi na pinangalanang babae na taga-Barangay Palatiw, Pasig City, Teresita Salandanan, 63-anyos, Lolita Gabato, 58-anyos, kapwa residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City at Marilou Hernandez, 53-anyos ng Taytay, Rizal.

Ayon sa report, nahuli ang mga suspek sa aktong pangongolketa sinolicit na financial and medical assistance mula sa anim na konsehal ng San Juan.

Nakatanggap umano ng reklamo ang tanggapan ng Criminal Investigation office na may nagaganap na bogus sa pagso-solicit ng anim na suspek matapos mapag-alamang peke pala ang kanilang ginawang medical abstract, bills, ID at ilang dokumento para mapagtibay ang kanilang pangso-solicit.

Ayon sa mga staff ng mga hindi na binanggit na pangalan ng mga konsehal na sina Rosy Arguelles, 47-anyos; Ana Marie Uy, 37-anyos; Rowena Navera, 50-anyos; Rizalie Dela, 40-anyos; Maritoni Anna Dominique Antonio, 22-anyos; Anabelle Arellano, 65-anyos; Michele Tegio, 25-anyos at William Dizon, 33-anyos, nagtungo umano ang anim na suspek sa kanilang opisina para humingi ng tulong dala ang mga pekeng dokumento.

Ngunit nadiskubre nila na mali at peke ang mga medical records na ibinigay ng mga suspek kaya agad silang nagsampa ng kaso sa pulisya at doon ay nalambat ang mga suspek nang muling nagtungo sa opisina para kolektahin ang mga solicitations.

Itinuro naman ng mga suspek si Lolita Gabato na kanilang leader na gumawa ng mga pekeng dokumento para ibigay sa mga opisina ng mga konsehal.

Kasalukuyang nakakulong ang anim na suspek sa San Juan Police detention cell at nahaharap sa mga kasong swindling, estafa at falsification of public documents matapos ireklamo ng tanggapan ng San Juan city hall.

Kaugnay nito, nagbabala si SSupt. Dindo Reyes, hepe ng San Juan Police na maging maingat sa mga manloloko na magtutungo sa mga opisina para manghingi ng tulong na sa kabila nito ay peke pala ang kanilang dalang mga papeles

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?