24

Nov 19, 2021 @ 10:13
By

6 arestado sa paggawa ng pekeng vax card

Arestado ang anim na indibidwal dahil sa paggawa ng mga pekeng vaccination card sa Recto Avenue, Maynila.

Arestado nitong Miyerkoles ang anim na suspek sa kanilang tagong tindahan sa isinagawang entrapment operation ng District Special Operation Unit – Northern Police District (DSOU-NPD).

“Medyo naniniguro sila kasi yung mga runner nila na nakuha natin is almost five bago pa natin nakuha yung mismong may ari,” pahayag ni Lt. Col. Jay Dimaandal, chief ng DSOU-NPD sa Saksi.

Itinanggi naman ng nga suspek ang mga paratang.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga pekeng dokumento kabilang ang mga vaccination card. Na-rekober din ang mga pekeng RT-PCR test.

Haharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?