95

Feb 15, 2020 @ 21:00
By

6-anyos na anak grinipuhan ng ama, todas

Napatay ng isang ama ang 6-anyos niyang anak na babae matapos pagsasaksakin ng screwdriver sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Kinasuhan na ang suspek ng parricide noong Pebrero 14.

Tinangka pa umanong tumakas ng lalaki matapos saksakin ng tatlong beses sa tiyan ang anak.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek at biktima.

Nadiskubre ang krimen nang sunduin ng kanyang lola ang biktima habang namimili ng panindang isda ang ina nito sa Santa Ana.

Nakita ang duguang bangkay ng biktima na nakahandusay katabi ang screwdriver. May bakas din ito ng sakal sa leeg.

Hinala ng pulisya, may sakit sa pag-iisip ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?