418

Dec 17, 2018 @ 21:25
By

6 airstrikes pinakawalan sa Somalia: 62 rebelde todas

Kabuuang 62 al-Shabaab militants umano ang nasawi sa ikinasang anim na airstrikes ng Amerika sa Gandarshe, Somalia.

Ayon sa report, target ng pag-atake ang al-Shabaab militants.

Noong Sabado ay 34 na rebelde ang napatay habang 28 naman ang nautas nitong Linggo, batay sa pahayag ng US Africa Command.

Isinagawa umano ang airstrikes sa pakikipagtulungan sa Federal Government ng Somalia para maiwasang magamit ng mga terorista ang ilang remote areas sa lugar para makapag-recruit ng mga tao.

Nilinaw naman ng US military na walang nasaktan o nasawing sibilyan sa ginawang pag-atake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?