26

Jan 29, 2021 @ 13:48
By

6.7-km tubo nilipat ng Maynilad para sa gov’t projects

Natapos na ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang pagri-realign, pagpapalit at pagre-relocate ng nasa 6.7 kilometro ng water pipelines noong 2020 para umasiste sa mga nagpapatuloy na infrastructure project ng gobyerno.

Sa isang pahayag noong Martes, sinabi ng West Zone water provider na sinaayos ang primary at secondary pipelines sa ilang bahagi ng Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Las Piñas.

Ang naturang reconfiguration ay ginawa upang bigyang-daan ang konstruksiyon sa Philippine National Railways North, MRT-7, at LRT1 Extension, na pawang layong padaliin ang pagbiyahe ng mga komyuter.

“It is important to ensure that these vital government projects are not delayed. So we strive to support by accommodating requests to realign some of our existing pipelines, with due consideration to Maynilad customers whose water supply may be temporarily affected by such realignments, as well as to motorists who pass by our construction sites,” wika ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado.

Nagbibigay ng tubig ang Maynilad sa west zone ng Metro Manila gaya ng Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, Malabon, Manila, Makati, at Quezon City, maging sa ilang bahagi ng Cavite province kabilang ang Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, at Rosario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?