738

Jan 15, 2022 @ 13:26
By

6/45, 6/58 jackpot naswertehan! 2 instant milyonaryo sa lotto

Dalawang mananaya ang nakatakdang magbago ang buhay matapos mapanalunan ang jackpot sa dalawang magkahiwalay na lotto draw nitong Biyernes.

Batay sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado, iuuwi ng isang mananaya mula San Fernando City, La Union ang tumataginting na P70,258,716.80 matapos mahulaan ang kombinasyon na 53-10-19- 21- 42-47 sa Ultra Lotto 6/58 draw.

Samantala, taga-Sto. Domingo, Nueva Ecija naman ang naka-swerte sa winning combination sa Mega Lotto 6/45 draw, sa kumbinasyon na 24-31-20-17-13-18.

Iuuwi niya ang premyong P20,212,102.

Ang Ultra Lotto ay ginaganap kada Martes, Biyernes at Linggo, habang tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes naman ang Mega Lotto. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?