219

By

6.4% inflation rate pinakamataas sa nagdaang 9 taon

Sharing is caring!

Patuloy ang problema ng Pilipinas sa ekonomiya matapos pumalo sa 6.4 porsyento ang inflation rate ng bansa noong Agosto.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), huli pang tumaas o lumagpas ng 6 porsyento ang implasyon sa bansa noong Marso ng 2009.

Higit itong mas mataas sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.5 hanggang 6.2 porsyento. Maging sa forecast ng Department of Finance na sinabing papalo lang ng hanggang 5.88 porsyento ang inflation rate ngayong buwan.

Bunsod ng pagtaas ay ang pagtaas ng index ng alcoholic beverages at sigarilyo na umabot ng 21.9 porsyento.

Kasunod ang pagkain at non-alcoholic beverages sa 8.5 porsyento, miscellaneous goods and services ng 4.0 porsyento, household equipment ng 3.5 porsyento, at recreation and culture ng 2.4 porsyento.

Sa rehiyon naman ng NCR, tumaas hanggang 7.0 porsyento ang inflation rate noong Agosto.

Dahil dito, maaring itaas ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang interest rate bunsod ng bunsod ng paglobo ng implasyon sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?