104

Jul 5, 2022 @ 18:08
By

6.1% inflation hindi tanggap ni PBBM

Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naitalang 6.1% inflation rate sa bansa noong buwan ng Hunyo.

Sa kanyang kauna-unahang press briefing sa Malacañang ngayong Martes, sinabi ng Pangulo na hindi siya naniniwala sa mataas na numerong inilabas ng Philippine Statistics Office (PSA).

Hindi lamang aniya ang Pilipinas ang nakakaranas ng inflation kundi lahat ng mga bansa subalit hindi aniya mataas ang inflation sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na nalagpasan na ng bansa ang target at ang nararanasan ngayon ay imported inflation.

“The inflation rate is a problem not only in the Philippines but everywhere. Our inflation rate 6.1, I think I will have to disagree with that number. We are not that high. We have crossed our targets, where less 4% or less, unfortunately looks like we may crossed that threshold. Tatawid tayo sa 4% that’s why again, we have to think about interest rate levels,” anang Pangulo.

Nabitbit aniya ng mga inangkat na produkto ang inflation na nararanasan ngayon na hindi saklaw ng kontrol ng gobyerno kaya dapat na malinaw ito sa lahat.

“The increase in commodity prices are again something that happens, that the forces that have pushed the commodities up are again beyond our control. Much of our inflation is actually imported inflation. It is imported because it is the inflation on the products that have suffered that we import. So sumama na yung inflation nila doon sa atin. So we have to make those categorical differences,” dagdag ng Pangulo.

Mayroon aniyang kinalaman sa mataas na inflation ang exchange rate levels kung saan nakikinabang ngayon ang Estados Unidos dahil lahat ng mga bansa ay apektado ng mataas na palitan ng dolyar .

“But there is a conflicting force in that exchange rate levels. The United States the dollar, has gained in all, against all currencies. So the dollars has gains all currencies. It’s specific effect is that, its actually will start to be part, one of it will be part of the components of inflation. So we are having to be careful because essentially our monetary policy right now is essentially to use interest rates to hold, to take control of the inflation rate,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?