39

Jun 18, 2020 @ 19:55
By

5M mahihirap uunahin sa National ID

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro para sa national ID system ang nasa limang milyong heads of poor families sa fourth quarter nitong taon.

Paliwanag ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, makakatulong ang national ID para sa maayos na distribusyon ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

“The issuance of the national ID to low-income household heads will directly address the lack of documentation barrier in opening financial accounts for the distribution of the cash aid,” aniya.

Dagdag niya, dahil din sa national ID, maaari nang makapagbukas ng bank account ang isa sa miyembro ng mahihirap na pamilya para doon na lang ipadala ang tulong pinansiyal nila at maiwasan ang kalokohan at pagdodoble sa pagbibigay ng ayuda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?