13

Jul 21, 2021 @ 20:16
By

5M katao fully vaccinated na vs COVID

Pumalo na sa mahigit limang milyong katao sa Pilipinas ang nakakumpleto ng bakuna laban sa coronavirus disease, ayon sa Palasyo nitong Miyerkoles.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 15.6 milyong dose na ang naiturok habang 10,585,261 indibiduwal ang nabakunahan ng unang dose.

Kabuuang 5,031,301 katao naman ang nabakunahan na rin ng pangalawang dose o iyong mga fully vaccinated na laban sa virus.

Target ng gobyerno na makakumpleto ng bakuna ang pitong milyong katao sa bansa sa pagtatapos ng July, ani vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?