24

Sep 12, 2021 @ 14:58
By

5K puwesto ng BFP bakante

Nanawagan ang isang solon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na punan ang may 5,000 plantilla position nito.

Ayon kay Deputy Speaker at 1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero, mahigit sa 35,000 ang plantilla position sa BFP ayon sa 2022 National Expenditure Program (NEP).

“We need more BFP personnel out there in our towns and cities. The vacant positions must be filled in the coming months. This should be an urgent priority of the BFP leadership,” sabi ni Romero.

Ayon kay Romero, makatutulong din umano sa pagpapaganda ng serbisyo ng BFP ang BFP Modernization Act (Republic Act 11589) na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

May papel din umanong gagampanan ang BFP sa panukalang Department of Disaster Resilience na inaasahan ni Romero na maisasabatas din bago bumaba si Duterte.

“Fire protection is a basic security need of our citizens. We will seek to ensure the effective implementation of the BFP Modernization by making sure BFP gets a realistic budget to address fire hazards and disaster response needs among the country’s fast-growing towns outside of Metro Manila,” dagdag pa ni Romero, isa sa may-akda ng RA 11589.

Para sa susunod na taon, ang BFP ay pinaglaanan ng Department of Budget and Management (DBM) ng P26.787 bilyong pondo.

“In the 2022, 2023, and 2024 national budgets, we will work toward giving the BFP the means to perform its mandates with ample resources, at levels surpassing previous years,” dagdag pa ni Romero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?