13

Sep 22, 2020 @ 9:59
By

5K Pinoy sa Sabah gusto nang umuwi

5,300 Pilipino na sa Sabah ang gusto nang makabalik sa Pilipinas dahil sa umano’y papataas na mga COVID-19 case sa Malaysia.

Sabi ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa lingguhang mensahe sa bayan ni Presidente Rodrigo Duterte kahapon.

Sa nasabing bilang, 1,570 na aniya ang nakauwi na ng bansa habang may 400 pang inaasahang dumating bukas. Karamihan aniya sa mga nakauwi ay galing sa Bangsamoro region.

3,300 naman ang naghihintay pang ma-repatriate.

“Gusto na rin po nilang umuwi, karamihan sa kanila dahil for a while tumataas ‘yung kaso doon sa Malaysia. Gusto nilang umuwi dito sa’tin,” ani Lorenzana noong Lunes, Setyembre 21.

“Hindi naman sila pinapaalis yata ng ating mga kapitbahay pero they are volunteering to come home, 5,300 of them. Mga voluntary umuuwi ‘yan,” saad niya pa.

Sa datos hanggang Lunes, may 10,276 kaso na ng COVID-19 sa Malaysia. Sa Pilipinas naman ay 290,190.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?