7

May 17, 2021 @ 16:36
By

5,979 bagong nagpositibo

Umabot na sa 1,149,925 ang COVID-19 case tally ng Pilipinas ngayong Lunes matapos makapagtala ng 5,979 bagong nagpositibo.

Sa kabila nito, pumalo naman sa 1,076,428 ang kabuuang nakarekober mula sa virus matapos 6,602 pasyente ang tinalo ang COVID-19.

72 naman ang bagong namatay na nagpaakyat sa death toll sa 19,262.

Kasalukuyang 54,235 ang active case nationwide, 93.3% ang mild, 2% ang asymptomatic, 2% ang severe, 1.4% ang critical condition at 1.25% ang moderate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?