6

By

596 nag-LSP kahit maulan

Sharing is caring!

SA kabila nang pabugso-bugsong mga ulan nitong weekend, dinayo pa rin ng 596 katao ang tatlong Philippine Sports Commission Laro’t Saya sa Parke 2018 Play and Learn Sports for Free sa magkakaibang playing venue sa Metro Manila.

Inihayag ni PSC-LSP Manila coordinator Julia ‘Dhole’ Lanto na 272 ang bumahagi sa Luneta kahapon (Linggo) na ang 125 ay sa zumba, 43 sa volleyball, 33 sa football, tig-20 sa sepak takraw at sa lawn tennis, 12 sa badminton, 8 sa arnis, 7 sa chess at 4 na senior citizen.

Nabatid naman kay PSC-LSP Quezon City coordinador Estrella Yang’ Decano, na 164 ang dumayo sa QC Memorial Circle na ang 125 ay nag-zumba, 17 ang nag-chess, 10 ang nag-futzal, 7 ang sr. citizen, 3 ang nag-arnis at 2 ang nag-athletics.

At pinaaalam ni PSC-LSP San Juan City coordinator Jeanette ‘Jean’ Bulda-Dinglasan, na may 160 ang dumalo sa Pinaglabanan Shrine-SJC hall grounds kung saan 62 ang buhat sa zumba, 21 sa volleyball, tig-20 sa athletics at sa badminton, 13 sa arnis, tig-11 sa boxing at ang sr. citizen at 2 sa chess.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?