48

By

59-taong tagtuyot sa gold tatapusin ni Acuna, 3 pa

Nakaatang sa balikat ng apat na atleta na tighawin ang tagtuyot sa gold ng Pilipinas kapag nagkaputukan na sa shooting ng 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Makikipagbarilan para sa nasabing misyon ang mga bata nina Philippine National Shooting Association chairman Ildefonso Trongued at president Luis Singson na sina Amparo Teresa Acuna, 21, at Jayson Valdez, 23, sa rifle events, at sina Hagen Alexander Topacio, 29, at Joaquin Miguel Ancheta, 38, sa trap shotgun.

Sa nagdaang 17 AG na ginaganap tuwing apat na taon, nakatudla na ang Filipino marksmen ng 5-12-15 gold-silver-bronze medal.

Nakaapat na gold sa inagurasyon noong 1954 sa Manila Asiad bukod pa sa tig-a-4 na silver at bronze. May 1-2-2 noong 1958 sa Tokyo bago hindi na nanalo ng gold mula sa 1962 Jakarta Games hanggang sa 2014 Incheon.

Huli pang naka-gold si Adoldo Feliciano noong 1958 sa men 300-meter rifle position, samantalang last medal ng mga Pinoy shooter ang 2 bronze sa 2002 Busan mula kina Jethro Dionisio sa men trap individual at kasama niya sa men team trap team sina Eric Ang at Jaime Recio. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?