21

Jun 21, 2021 @ 21:28
By

58M shabu nasabat sa Cavite

Nasabat sa isinagawang drug bust sa Imus, Cavite ang may P58 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa Manila Police District (MPD) nitong Lunes, nangyari ang operasyon noong Sabado kung saan limang suspek ang nadakip.

Iprinisenta sa media ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga suspek na kinilala ng MPD na sina Tamano Daud, 41; Ismael Daud, 24; Norma Maguid, 36; Bainor Maguid, 23 at Omar Redia, 42.

Ayon sa ulat, nadiskubreng miyembro ang mga suspek ng Tamano Drug Group, na nagpapakalat ng iligal na droga sa Metro Manila, Quezon City at Rizal at may kaugnayan kay Montessir Sabal, na dating alkalde ng Talitay, Maguindanao.

Noong Huwebes, June 17 napatay ng mga pulis ang ex-mayor matapos umanong tumakas habang dinadala sa Camp Crame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,