35

By

Queen Elizabeth, makiki-jam sa sariling b’day concert

Kumpirmado na ang pagdalo ni Queen Elizabeth II sa kanyang 92nd birthday concert sa Royal Albert Hall sa Kensington, London.

Kabilang sa magpe-perform sa concert na tinaguriang “Queen’s Birthday Party” ang mga British singer na sina Sting, Tom Jones at Jamie Cullum.

Magpapasaya rin sa party sina Kylie Minogue, Shaggy at Craig David.

Si Queen Elizabeth ay inaasahang sasamahan ng iba pang miyembro ng royal family kabilang ang ikakasal nang si Prince Harry.

Una nang pinarangalan si Queen Elizabeth ng mga honorary gun salute sa Hyde Park, sa Tower of London at Windsor bilang hudyat ng okasyon.

Taon- taon, dalawang kaarawan ang ipinagdiriwang ng reyna ng Britanya: ang aktuwal nitong kaarawan tuwing April 21 na karaniwang niyang ipinagdiriwang ng pribado kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang “official birthday tuwing ikalawang Sabado ng Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?