11
arrested-kalaboso-arestado-huli
By

589 pasaway, huli sa magdamagang EPD crime ops

Sharing is caring!

Umaabot sa 589 ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang simultaneous anti criminality law enforcement operation, kahapon.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD District Director SSupt. Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng magdamang operasyon sa paghuhuli sa mga lumalabag sa batas at ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa mga siyudad ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina.

Nasa 27 katao ang inaresto na lumabag sa ordinansang drinking in public places, nasa 239 naman ang huli sa smoking ban, 32 ang half naked o walang damit pang-itaas na kadalasan ay mga kalalakihan ang nahuli, nasa siyam ang nahuling kabataan na lumabag sa curfew habang nasa 282 naman ang huli sa iba pang kaso ng paglabag sa ordinansa na mahigpit na ipinatutupad sa EPD area.

Base sa tala ng EPD, nasa 258 ang nahuling lumabag sa ordinansa sa Pasig Police, nasa 195 naman ang Mandaluyong, 134 ang naaresto ng Marikina Police at nasa dalawang tambay naman ang nahuli ng San Juan Police na pawang mga lumabag sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?