50

583M fake accounts binura ng Facebook

Sharing is caring!

Inihayag ng Facebook na tinanggal nila ang halos 583 milyon fake accounts sa unang tatlong buwan ng taong 2018 kasunod nang Cambridge Analytica data privacy scandal.

Ang pagbura ng fake accounts ay bukod pa sa milyong pagtatangka ng magbuo ng mga panibagong fake accounts kada araw.

Pero sa kabila nito, sinabi ng Facebook na nakakagawa pa ng fake profiles ang tatlo hanggang apat na porsiyento ng mga aktibong accounts.

Na-detect din ng Facebook ng halos 837 milyong post sa spam.

Tinanggal din ng Facebook o nabigyan ng warning ang halos 30 milyong post na naglalaman ng sexual o violent images, terrorist propaganda o hate speed sa unang quartert ng 2018.

Nakatulong sa Facebook ang kanilang teknolohiya gamit ang artificial intelliegence para aktuhan ang 3.4 milyong posts na naglalaman ng graphic violence.

Sinuspinde rin ng Facebook ang mahigit apps bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa paggamit ng private user data.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?