730

Apr 20, 2018 @ 4:15
By

No. 1 drug personality sa Malolos, nanlaban sa pulis, patay

Patay sa buy-bust operation ang number 1 sa drug watchlist ng Malolos, Bulacan matapos na manlaban sa mga pulis.

Kinilala ni Malolos Police chief Superintendent Heryl Bruno ang suspek na si Antonio Yamson (59), presidente ng samahan ng kargador sa umaga pero kilabot na tulak ng droga sa gabi.

Napag-alaman din na protektor ito ng mga adik at supplier ng shabu sa San Vicente, Caniogan at Sto. Rosario sa Malolos.

Sangkot din ang suspek sa mga kasong murder at robbery.

Ikinasa ang buy-bust operation sa palengke ng San Vicente.

Nabatid na naka-tunog ang suspek na pulis ang binebentahan niya ng droga kaya niya ito pinutukan ng baril.

Hindi tinamaan ang pulis na gumanti ng putok at napuruhan ang suspek.

Agad na tumakas ang iba pang kasamahan nito.

Narekober mula sa napatay na suspek ang 30 plastic sachet ng hinihinalang shabu at 15 piraso ng dahon ng marijuana na tinatayang may street value na P40,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?