140

Aug 18, 2019 @ 18:35
By

58-toneladang coping beam bumagsak, trapik sa NLEX bumagal

Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Balintawak at Camachile matapos na isara ang isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Linggo ng madaling-araw, Agosto 18, dahil sa pagbagsak ng tinatayang 58-toneladang coping beam na ikinabit sa kolum ng Skyway.

Ayon kay Reggie Garcia, Skyway Rigging Engineer, hindi pa umano nila matukoy ang dahilan kung bakit bumagsak ang nasabing coping beam malapit sa Balintawak southbound (SB) exit ng NLEX pasado alas-dos ng madaling araw.

“Noong maiangat, nagkaroon ng problema doon sa lifting log pero ‘yun ay nasa design naman… Wala namang may gusto, bumigay ‘yung lifting log at ‘yan ang nangyari,” saad ni Garcia.

Paliwanag pa niya, kinakabitan ang lifting eye o lifting log ang kadena ng crane. Mayroong apat na lifting eye sa coping beam at dalawa rito ang nasira.

Pasado alas-otso ng umaga, sinusubukan pa ring ibaba ang beam para sirain at palitan ng bago.

“Aalisin namin unti-unti nang makaiwas sa mas malaking disgrasya na maaaring mangyari. Babaguhin namin ang procedure para mas safe na sa susunod ang pag-erect,” dagdag ng opisyal.

Naglabas naman ng pahayag kanilang Facebook account ang pamunuan ng Skyway na humihingi ng paumanhin sa pangyayari.

“Heavy traffic at Balintawak SB after the coping beam from the Skyway Stage 3 project of San Miguel-led Citra Central Expressway Corporation detached from its hook during installation.”

“The Incident cause the flow of traffic to slow down from Balintawak/Camachile area. Skyway and NLEX traffic and safety teams are on site to manage the traffic situation and ensure motorists safety. Close coordination with Skyway management and contractor for the ongoing retrieval of the said coping beam.”

“We apologize for the inconvenience,” ani Skyway management.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?