25

Apr 14, 2021 @ 14:48
By

57M halaga ng mga higanteng kabibe nakumpiska

Nasa 26 tonelada ng mga endangered giant clam shell ang nasabat kahapon, Abril 13 sa Puron Borbon, Barangay Panacan, Narra, Palawan.

Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng P57 milyon ang nadiskubreng malalaking clam shell ng mga volunteer, tauhan ng Coast Guard, pulis at militar.

Nangangalap na ng impormasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga nasa likod ng pangunguha ng mga giant clam, na iligal sa ilalim ng “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”.

Itinurn-over na ang mga malalaking kabibe sa Bantay Palawan-Task Force South sa Tagpait village.

Ginagamit ang mga giant clam shell sa paggawa ng mga alahas at bilang kapalit ng ivory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?