65
joshua-julia
By

Julia hindi nawala ang pagmamahal kay Joshua

Kung dati ay halos negative comments ang nakukuha ni Julia sa mga interview niya dahil umano sa kanyang kaartehan at pagiging pabebe, ngayon namay ay puro papuri ang comments ng interview niya kasama ang rumored boyfriend na si Joshua Garcia sa Tonight with Boy Abunda kagabi (Abril 19).

Walang bahid ng showbiz at kaplastikan ang mukha ni Julia habang kinekwento niya kay Tito Boy Abunda kung paano nila pinagdaanan at nalagpasan ni Joshua ang isyu kamakailan tungkol sa pagpapadala ni Joshua ng isang papuri sa pamamagitan ng private message sa isang babaeng netizen sa Instagram.

“It was a rough patch, but I didn’t put whatever we built in our partnership to waste. So up to this day, he’s still trying to gain my trust – and that’s the truth. But we’re okay. Accept, forgive, move on. Life goes on,” pahayag ni Julia.

Ayon pa kay Julia, nirerespeto pa rin nila ang isa’t isa at hindi nawala ang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa.

“It wasn’t something na madali kong sasabihin na ‘tama na, I don’t want you anymore.’ It’s not like that. It’s more like, ‘this is what you did, I know what you did. This is how I felt. Let me hear your side,” pagbabahagi niya. “I know my worth and self-value. I’ve learned what things I can and cannot tolerate. And I made that clear to him.”

Marami ang nagalingan sa sagot ni Julia, at nagkomento sa deretsahan at matalino niyang reaksyon na nagpadagdag pa raw sa ganda ng dalaga. Komento ng ilan, ang mature na raw ng kanyang pananaw sa buhay at “beauty and brains” daw ito.

Halata namang maraming naitulong sina Julia at Joshua sa isa’t isa hindi lang sa kanilang showbiz careers, pero pati na rin perspektibo sa buhay. Sana nga talaga ay tuloy-tuloy na ang paghilom ng kanilang mga sugat dahil ang dami pa nilang projects na aatupagin para sa kanilang fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?