21

By

4.6 magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar

Sharing is caring!

Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang Eastern Samar 8:10 Martes ng gabi.

Sa Earthquake Information no. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol 65 na kilometro sa hilaga ng San Policarpio.

Ang lindol ay may lalim na 46 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 1 sa Borongan City, Eastern Samar at Catbalogan City sa Samar.

Ayon sa PHIVOLCS, wala silang inaasahang aftershocks at pinsala mula sa lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?