44
patricia-fox
By

Australian missionary, sangkot sa political activities – Malacañang

Sharing is caring!

Binigyang-katuwiran ng Malacañang ang naging aksiyon ng Bureau of Immigration (BI) laban sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may impormasyon ang BI-Commission on Immigration and Deportation na ang dayuhang madre ay sangkot sa political activities kaya ikinukunsidera ng ahensiya na bawiin ang kanyang temporary permit na manatili sa bansa.

Nilinaw ng kalihim na hindi inaresto si Sister Fox kundi iniimbestigahan para mabatid kung ipapa-deport o hindi.

“Apparently BI has information, that Bureau of Immigration information—the Commission on Immigration and Deportation has information that Sister Patricia Fox had been involve in political activities and that’s why her temporary permit to stay in the country is now being considered to be revoked ‘no. But there is a process to be complied with,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na kahit sinumang dayuhang pupunta sa ibang bansa ay dapat na sumunod sa mga panuntunan at batas .

Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang dayuhang makilahok sa mga kilos-protesta, rally o alin mang political activities.

“Now this is not an arrest, this is an order, an investigation whether not to deport Sister Patricia Fox. And we have decided cases already by the Supreme Court that this arrest are not governed by normal right of an accused in a criminal proceedings because this is for purposes and preparatory to deportation,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?